Sunday, May 5, 2024

Baguio: Lilimitahan ang operasyon ng Malcolm Square

- Advertisement -

Baguio City – Ipinasa ng City Council sa unang pagbasa ang panukalang ordinansia na maglilimita at pamamahala ng operation at maintenance Malcolm Square. Ayon kay city councilor Isabelo Cosalan Jr. ang may akda ng nasabing panukalang ordinansia, ang mga isasagawang gawain sa nasabing parke ay lilimitahan.

Visit RPN DZBS Baguio

Aminado ang nasabing konsehal na ang Malcolm Square ay isang protected na landscape at nagbibigay din ng kanyang tinatawag na public employment sa pamamagitan ng libangan at turismo. Anya, ang mga gawain ay isasagawa lamang sa nasabing parke na may control, sa ilalim ng mga panuntunan, paglilisensia at pahintulot ng lokal ng gobierno sa pamamagitan ng City Environment and Parks Management Office o ang CEPMO.

Gayon pa man may karapatan ang lokal na gobierno na hindi pahintulutan ang sinuman na magsagawa ng anumang Gawain sa nasabing parke. Ang nasabing panukalang ordinansia ay humiling din ng kabayaran sa paggamit ng parke o ang tinatawag na Environmental maintenance fee nasa Ordinance no. 18 series of 2016 bago ang mga gawain or activities ay isasagawa. Ang mga gawain na maaring isagawa ay ang social programs, tulad musical, television shows, film production, field demonstrations, sports tournament, skills Olympics o kompetisyon, political rallies, religious o kahintulad na gawain.

Sa kabilang dako, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa nasabing parke, pag inom ng nakakalasing inumin, bonfire or pagsiga, pagtulog, at mga itinatadhana ng nasabing ordinansia. Ang lalabag ay maaring pagbayarin ng multang 5,000 pesos o pagkabilanggo ng di lalampas ng 5 araw o pareho ayon sa kagustuhan ng korte. Ang Baguio City Police Office, Ang Public Order and Safety Division at ang mga kaparehong opisina ang magpapatupad ng mga alintuntunin at mga regulasyon sa Malcolm Square. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Baguio city)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img