Baguio: Kulay asul sa Burnham Lake naisagawa at bilang ng mga nagbabangka biglang dumami

0
6

Baguio City – Mga bilang ng mga nagbabangka sa Burnham Lake dumami dahil sa asul na kulay ng tubig doon. Di inaasahan na dumami ang mga nagbabangka sa Burnham Lake matapos gumanda ang kalidad ng tubig sa nasabing lawa.

Mula sa kulay na “yellow-brown” ay naging asul na ngayon.  Ayon kay City Environment Parks and Management Office Attorney Rhenan Diwas, ang namumuno ng naturang opisina luminaw ang kulay ng tubig sa kulay asul sa lawa dahil sa “biotech products” na inilagay nila.  Sinabi niya na ito ay bahagi ng pagpapaganda nila ng mga parke dito sa lungsod ng Baguio.

Kanyang idinagdag na mahigit kumulang sa 400,000 pesos ang kanilang nagagastos sa nasabing proyekto ngunit mas mababa ito kung ihahambing sa mga ibang “project proposals” na isumite sa kanila.

Mababa din umano ang buwanang “maintenance” nito sa di kukulangin sa 40, 000 pesos ang nagagastos ng lungsod.

Sa kaugnay na balita, marami sa nagpaparenta ng mga Bangka sa Burnham Lake ay natuwa dahil sa simula noong gumanda ang kalidad at kulay ng tubig ng lawa ay dumami ang kanilang parokyano. Dahil dito ay tumaas na rin ang singil sa parenta ng kanilang mga bangka.  (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City PIO)

Leave a Reply