Buguias, Benguet – Ang sasakyang ng bagong halal na konsehal sa Bayan ng Buguias, Benguet ay nahulog. Si Glenn Abaya Bigo na nakatandang makipagkita sa isang miting sa Bayan ng Buguias, Benguet, umaga ng Hulyo 6, 2022 ay naaksidente sa mismo niyang lugar gamit ng kanyang sasakyan.
Ayon kay Bise Mayor Dione Baucas sa Bayan ng Buguais, meron isang miting na nakatakda at isa si konsehal Bigo na panauhin sa dahilan na membro siya ng Municipal Development Council. Sa puntong ito, nasa Ampetang, Poblacion, Buguias, Benguet ang konsehal na papunta sa munisipyo Bayan ng Buguias. Sa masamang palad ang sasakyan ni konsehal Glenn Abaya Bigo ay nahulog sa isang bangin. Sa lalim na 35 metro ang napag-alaman taas ng aksidente. Si Bigo ay dating Punong Barangay ng barangay Poblacion, Buguias at ito’y sinubukan niyang tumakbo bilang konsehal sa katatapos na halalan.
Natamo niya ang bilang pangatlo sa mga nahalal na konsehal ng Bayan. Huwag mag-alala sa pasabi ni Bise Mayor Baucas nasa mabuting kalayang ang konsehal ng ito’y naisogud sa pinaka malapit na ospital binigyan ng lunas ang kanyang sugat at ito’y nakakapaglita at malayo sa panganib. Ang mga kapulisan sa Bayan ng Buguias ay kanilang iniimbestigahan ang nangyari sa kosehal na aksidente. (Joel Cervantes, photo courtesy of Tuba MPS)
