Baguio: Kapulisan sa Atok, Benguet nagsagawa ng outreach program

0
4

Atok, Benguet – Matagumbay na nagsagawa ng outreach program ang Atok Municipal Police Station sa mababang paaralan ng Japa sa Munisipio ng Atok Agosto 31, 2022. Ayon sa ulat na natanggap ng RPN News Baguio, ang nasabing aktibidad ay parte ng isinasagawa ng nasabing pulisiya bilang pagsuporta nila sa Balik Escuela 2022 upang mailapit ang mga pulis sa kommunidad at sa mga mag aaral.

Visit RPN DZBS Baguio

Sinabi ni Police Senior Master Sargeant Rito Evasco na umaabot sa 57 mag aaral at 4 na mga guro ang nakatanggap ng dalawang chess boards, school supplies, at hygiene kits ang nakasaksi sa turn over activity.

Inaasahan ni Evasco na ang kanilang ididonate ay magagamit ng mga mag aaral ng naturang paaralan. Kasama sa kanilang ginawang outreach program ay ang feeding program, lecture awareness, at ang pamimigay ng information materials tungkol sa illegal na druga, ang mga panghihikayat ng mga rebeldeng grupo,at maging kung ano ang nararapat gawin kung may krimen na nasaksihan nila.

Nagpasalamat si Atok Municipal Police Station Chief police Major Gregorio Kiwilan sa mga opisyal ng mga barangay, sa mga guro, at mga mamamayan doon na tumulong na maging matagumpay ang kanilang outreach program sa nasabing munisipio. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO PROCOR)

Leave a Reply