31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Baguio: Isang trabahador ng Water district ng La Trinidad, Benguet nakapulot ng pera na malaki

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Pinuri ng namamahala ng La Trinidad Water District ang isa sa mga mapagkakatiwaang tauhan nito dahil sa pagsuli ng napulot na pera at sirang cellphone sa may ari nito.

Ayon kay Engr. Oliver Taule, ang General Manager ng La Trinidad Water District, La Trinidad, Benguet, naalala niya na may isa silang tauhan na naglalakad na si Ginoong Charlito Cognoden sa daan sa Quirino Hill noong hapon ng Mayo a 15 itong taon na ito.

Papunta siya sa opisina nila noong nakita niya ang sirang cellphone nasagasaan ng isang sasakyan. Nakita din niya ang isang paper bag katabi ang naturang cellphone na pagkakaalam niya ay isang basura.

Ang cellphone at ang paperbag ay pinulot ni Ginoong Cognoden upang hindi kaayaya na mga bagay na nakakasira sa mata o sa maikling salita isang eyesore ngunit napansin niya na may laman ang paper bag. Nabigla ang naturang empleyado noong makita niyang pera ang laman ng paper bag na umaabot sa P162,000 at mga ilang resibo.

Dahil ditto dinala niya ang napulot na cellphone at pera sa kanilang opisina sa La Trinidad Water District KM 4, La Trinidad, Benguet at tinawagan nila ang may ari ng cellphone at pera sa pamamagitan ng sim card ng cellphone nasagasaan. Ibinigay ng La Trinidad Water District ang cellphone at pera sa asawa nito na si Ginoong Julio Pagat na may ari nito. (Joel Cervantes, photo courtesy of LWD La Trinidad)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -