33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Baguio: Isang paring Catolico tinamaan ng ligaw na bala noong Bagong taon

- Advertisement -

Isang 60 taong gulang na paring Katoliko ang tinamaan ng ligaw na bala sa Barangay Irisan ng bandang alas dose y kinse  ng matapos ang isang kasiyahan noong madaling araw ng bagong taon.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulis na ang pari at ang kanyang pamilya ay tinatapos ang kanilang pagdiririwang ng Bagong taon sa harapan ng kanilang tahanan noong makaramdam siya ng kirot sa kanyang balikat. Kanyang napansin na may sugat sa kanyang buto sa kwelyo at ang punglo ng baril ay kanyang tinanggal. Siya ay kaagad na dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center upang  magamot.

Ang naturang pari ay pinalabas sa Ospital ng Gobierno habang nakabinbin ang kanyang operasyon sa  buto sa kwelyo. Samantala, sinabi ni Baguio City Police Office City Director PCol. Francis Bulwayan na isang bala ng baril na 9 millimeter ang nakuha sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Isang imbestigasyon  ang nasimulan na sa mga taong may rehistradong baril na 500 metro sa lugar na pinangyarihan nito. Naniniwala si Police Colonel Bulwayan sa pamamagitan ng ballistic examination ay kanilang makikilala ang may-ari ng baril na ginamit. Sa sandali na makilala ang ang may-ari ng baril, sila ay kaagad na magsasampa ng kaso sa sinumang nagpapaputok ng baril sa pagdiririwang ng Bagong taon kung ito ay pag-aari ng pribado o nasa serbisyong tao.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Police Office) 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -