33.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Baguio: Isang negosiante timbog sa pabebenta ng dinamita

- Advertisement -

Baguio City – Inaasahang sasampahan ng kaso sa paglabag ng Republic Act 9561 o ang illegal Possession of Explosives ang isang 52 anos na negosiante matapos makumpiska ng mga otoridad ang pampasabog o dinamita sa isang bahay sa San Carlos Heights, Irisan, Baguio City noong Octobre 28, 2022.

Batay sa ulat na isinagawa ng kawani ng Irisan Police Station at ng Baguio City Police Station sa pamamagitan ng Search Warrant kontra sa nasabing tao. Aabot sa 299 na piraso ng dinamita o Nitro EM 1500, 25 kilos ng ANFO at 200 na piraso ng blasting caps ang nakumpiska ng mga kinauukulan sa bahay ng nasabing negosiante.

Ang negosiante ay nasa kustidia ng Irisan Police Station.  Samantalang ang mga nakumpiskang pampasabog ay nasa kamay na mga maykapangyarihan. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City PNP)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -