Baguio: Isang driver ng van, nasugatan matapos mabagsakan ng malaking bato ang minamaneho nito sa Kennon Road

0
9

Kennon road, Tuba, Benguet – Nasugatan ang isang driver ng van matapos mabagsakan ng malaking bato ang kanyang minamanehong sasakyan habang tinatahak niya ang Kennon Road noong lunes ng hapon Mayo a primero ng taong kasalukuyan.

Ang driver ay kinilala sa pangalang Roldan Awisan Pulicay, 32 taong gulang, may asawa at naninirahan sa KM 18 Ambassador, Tublay, Benguet.

Ayon kay Ginoong Pulicay, papunta sa lungsod ng Dagupan ang kanyang van noong bigla na lang nahulog ang malaking tipak na bato na tumama sa kanya.  Dahil dito ay nagtamo siya ng sugat.

Agad na dinala ng mga tauhan ng Emergency Medical Service ang nasabing driver sa pinakamalapit na ospital upang magamot. Dahil sa nasabing pangyayari, nabasag ang salamin o windshield ng kanyang van at nakupi ang pinto ng driver side ng nasabing sasakyan. (Joel Cervantes, photo courtesy by Kim Raymundo)

Leave a Reply