29.9 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Baguio: House bill No. 3046 an Anti-Hospital Deposit law naihain sa kongreso na tataas ang multa

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – P5-M na multa sa mga lalabag ng Anti-Hospital deposit law, inihain na sa kongreso. Pinangunahan ni Benguet Congressman Eric Go Yap ang inahaing panukalang House Bill No. 3046 sa mababang kapuluan o kamara.

Ayon Congressman Yap, Ito ay maamendahan ang Anti-Hospital Deposit Act at itaas ang multa ng mga lalabag sa nasabing batas. Sinabi niya na aabot sa P2 million hanggang P5 milyon ang multa sa mga director o opisyal ng mag ospital at Klinika na magpapatupad ng kautusan at ng polisiya laban sa nasabing batas.

Ito ay mataas kung ihahambing sa dating multa na aabot sa P500,000 hanggang P1 million pesos. Ipinaliwanag ni Yap na ang Anti-Hospital Deposit Law ay magbibigay proteksyon sa isang individual na tatanggapin ng ospital upang mabigyan ng medical treatment na hindi na kailangan na singilin ng namamahala ng advance payment o depisito.

Sinabi ng mambabatas ito ay laban sa sinumpaan ng mga manggamot na tumulong sa mga mamamayan na nangangailangan ng medical care upang magamot dahil ito ang trabaho ng mga ito.

Sa ilalim ng panukalang batas, maaring sampahan ng kasong administratibo ang mga hospital employees at ang mga opisyal na lalabag, masuspendi, makakansela at ma-revoke ang professionals license ng mga ito.

Batay sa panukalang bill, maaring mapawalang bias ang license to operate ng medical facilities kung nilabag nila ang batas ng maikatlong basis. Ang nasabing hakbang ay ipinagbigay alam ng mambabatas sa kanyang pagbisita niya sa Benguet General Hospital itong nakaraang mga araw lamang. (Joel Cervantes, photo courtesy of Office of Cong yap-Benguet)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -