Sunday, May 5, 2024

Baguio: Hiling ng pagbubukas ng Kennon Road, pinag-aaralan

- Advertisement -

Hinihiling ng Metropolitan Baguio City, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba and Tublay Development Authority o ang MBLISTTDA  Council kasama ang  Baguio City Peace and Order Council (CPOC) ang pagbubukas ng Kennon Road sa publiko sa lalong madaling panahon.

Sa ilalim ng  MBLISTTDA Resolution No. 8, Series of 2023 and CPOC Resolution No. 8, Series of 2023, kapwa nila hiniling sa Inter-agency Task Force (IATF) Kennon sa ilalim ng  Office of Civil Defense at ng Department of Public Works and Highways na buksan na ang Kennon Road kaagad matapos matugunan ang problema sa kaligtasan sa pagggamit ng naturang daan ganon din ang mabilis na pagkumpuni nito.

Hiniling din nila sa  IATF Kennon na tumulong ang  Tuba local government sa paghawi at pagtanggal sa ilegal na nagpaparada sa kahabaan ng Kennon Road. Ang naturang obserbasyon ay kanila nang ipinarating para na rin sa kapakanan ng mga motorista at hindi makasira sa napakagandang tanawin ng Kennon Road.

Ang Kennon Road ay isa sa mga major access roads na patungo sa Lungsod ng Baguio at sa Probinsiya ng Benguet at ito ang pinakamaikling ruta sa  Rosario, La Union papuntang Baguio City na may 33.7 kilometers ngunit ito ay isinara sa publiko dahil sa hindi magandang estado nito lalo nang pinalala ng mga nakaraaang bagyo at ng paglindol.

Tuwi-tuwina ang Kennon Road ay bukas lamang sa mga light vehicles sa mga importanteng pagkakataon upang maibsan ang Marcos Highway at ang iba pang daan mula sa trapiko patungo sa Lungsod ng Baguio.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy by Philippine Information Agency Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img