35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Baguio: Higanteng kambal na Strawberry shortcake, hangad na maipakita sa selebrasion ng Strawberry Festival ng La Trinidad, Benguet

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Plano ng lokal na gobierno ng La Trinidad, Benguet na maipakita ang higanteng kambal strawberry shortcake sa darating na selebrasion ng Strawberry Festival sa nasabing bayan.

Ayon kay Mayor Romeo Salda makikipagpulong sila sa mga Strawberry Bakers Association ng La Trinidad para sa pagsa-pinal ng plano para sa mga ito.

Matatandaan na hawak ng La Trinidad ang Guinness World record para sa pinakamalaking strawberry shortcake noong 2004 kung saan mayroon itong bigat na 9,622.24 kilograms at naipakain sa mahigit na 10,000 katao.

Magkaganon man, Sinabi nila na hindi na sila gagawa pa ng mas malaki pa rito dahil sa nananatili pa rin ang La Trinidad ang record holder.

Samantala, sinabi ng mayor ang naturang selebrasion sa Marso ay magiging festival of recovery kasunod ng pagbabalik ng malalaking gawain ng Festival. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad, Benguet)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -