Sunday, May 5, 2024

Baguio: Halagang Php28,090,800.00 ng marijuana, natagpuan ng kapulisan ng Lumin-awa sa Brgy. Dupag, Tabuk City, Martes

- Advertisement -

Sa ulat ng Kalinga Police Provincial Office, ang magkasanib na operatiba ng Tabuk City Police Station (CPS), Philippine Drug Enforcement Unit of Kalinga, at ng iba pang tagapagpatupad ng batas ang nakatanggap ng impormasyon sa isang concerned citizen kaugnay sa isang sasakyan na nagdadala ng ilegal na droga galing ng Tinglayan pupuntang Lungsod ng Tabuk sa Kalinga.

Nang magresponde ang mga operatiba, kanilang nakita ang iniwang sasakyan sa Brgy. Dupag at natagpuan nila ang 205 piraso ng pinatuyong marijuana bricks na may bigat na humigit kumulang sa 205 kilo na nagkakahalaga ng Php24,600,000.00; 45 piraso ng pinatuyong dahon ng Marijuana leaves sa hugis tubular na may bigat na 22.5kgs na nagkakahalaga ng Php2,700,000.00; 25 piraso ng vacuum sealed na pinatuyong dahon ng Marijuana at fruiting tops na tumitimbang ng higit kumulang sa 6.25kgs na nagkakahalaga ng Php750,000.00; at 6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php40,800.00.

Bilang karagdagan, patuloy pa rin ang imbestigasyon upang makilala ang mga nasa likod nito lalong-lalo na sa may-ari ng naturang sasakyan at ng iba pang suspek na kasali na humaharap sa paglabag ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy by Kalinga PPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img