35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Baguio Fire Station magkakaroon na ng permanenteng lugar at gusali

- Advertisement -

Magkakaroon na ng permanenteng lokasyon at sariling gusali ang Baguio Fire Station ken Bureau of Fire and Protection-CAR sa sandaling maaprobahan ang pangkatitulo ng 1,200-square metro kuadradong lote sa Kisad Road, Baguio City sa ibaba ng kalsada sa harapan ng Crown Legacy Hotel. Ayon kay Baguio Fire Superintendent Mirasol Odiver, sa sandaling maipangalan ng nasabing ahensiya ang titulo ng lote, ito ay kanilang gagamitin at kanila rin hihilingin ang pondo sa Bureau of Fire Protection (BFP) Central Office para sa pagtatayo ng bagong City Fire Station sa sentro ng lungsod. Ipinaliwanag ni Odiber dahil sa magsisilbi ang nasabing lugar para sa BFP-CAR Regional Office at ng City Fire Station kaya dalawang gusali rin ang maipapatayo. Sinabi ng city fire marshal na ito ay magiging permanenteng tahanan ng City Fire Station at magsisilbi rin paradahan ng iba’t-ibang sasakyan at gamit ng opisina upang matiyak ang mabilis na pagresponde sa oras ng pangangailangan o emergency.

Matatandaan na ang City Fire Station ay pansamantalang nailipat sa Barangay Irisan mula sa dating lokasyon nito sa harapan ng Baguio Justice Hall kasunod ng plano ng lokal na gobyerno na magpatayo ng multi-level structure upang maging maluwag ang gusali ng City Hall. Sa kasalukyan, ang City Fire Station ay nasa tatlong sub-stations na matatagpuan sa barangays Irisan, Aurora Hill at Quirino Hill. Samantala, nais ng City Government magpatayo pa ng maraming fire substations sa mga strategic areas dito sa lungsod lalong lalo na sa Gibraltar, Loakan at Marcos Highway ngunit kailangan pa ng pondo para sa nasabing proyekto.

(Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City Public Information Office))

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -