34.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Baguio: Financial Assistance ng La Trinidad, Benguet sa mga biktima ng sunog sa Bontoc, Mt. Province, ibinigay na

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Pormal na ibinigay na ng lokal na gobierno ng La Trinidad, Benguet ang tseke na nagkakahalaga ng 100,000 piso sa lokal na gobierno ng Bontoc kasunod ng pagpirma ng sisterhood agreement ng dalawang munisipyo noong Jueves Mayo a 11 sa Lednicky Hall ng La Trinidad Municipal Hall.

Ang tulong pinansial ay para sa mga biktima ng sunog at personal na tinanggap ni Mayor Jerome Tudlong at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ti Bontoc, Mt. Province.

Maliban ditto, Ibinigay din ng Mr. and Ms. La Trinidad Organization ang 17,500 pisong karagdagang tulong pinansial. Sa mensahe ni Mayor Tudlong, nagpasalamat ito ng taos puso sa mga nagbigay ng donasyon dahil sa malaking tulong ito sa mga biktima.

Kanyang idinagdag na ang kanilang natanggap na tulong pinansial ay kanilang idadagdag upang ipamahagi sa ikalawang pagkakataon bilang cash assistance sa mga biktima. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU LTB)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -