32.3 C
Manila
Friday, October 7, 2022

Baguio: Farm to market road sa Tickey, Benguet natapos at sementado

- Advertisement -

Benguet Province – Si Governor Melchor D. Diclas ay masayang nakita ang katatapos na isang proyekto na Daclan-Camaggaan-Tikey-Bonagan Provincial Road sa Bokod, Benguet.  Ang pagsa-ayos sa nasabing Farm to Market road ay may haba na 825 metros. Ang proyekto ay sa Barangay Tickey, Bokod, Benguet at laking tulong ito sa mga magsasaka sa paghatid ng kanilang gulay mula sa taniman hanggang sa pagbentahan. Ang halaga ng proyekto ay mahigit limang million na pisos.

Visit RPN DZBS Baguio

Ito’y kasagutang sa hiling ng komunidad na may mga dalawang daang individual ang makakagamit sa nasabing proyekto. Sabi ni Punong Barangay Harold Gurinto ng barangay Tickey, noong araw na dipa sementado ang nasabing daanan, ang mga residente ay kanya-kanyang magrenta ng motorsiklo para lang maihatid ang gulay sa malapit na lugar kung saan naghihintay ang nakaparada na sasakyang para magbiahe.

Di tulad ngayon na may sasakyan na mag hatid araw araw dahil maganda na ang daanan. Ang nasabing daanan ay ginawa basi sa magandang hangarin ng Gobyerno na ilapit ang serbisyo sa kanyang komunidad at mai-angat ang kabuhayan ng mga kababayan.  (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Benguet)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -