Baguio: DICT dadalhin ang internet connection sa 68 barangay sa probinsiya ng Mt. Province

0
8
photo courtesy of PIO Cordillera

Baguio City – Mt. Province – Isasakatuparan na ng The Department of Information and Communications Technology at ng Pamahalaang probinsiya ng Mountain Province ang pagbibigay ng serbisyo sa  internet sa mga  barangay sa naturang probinsiya. Sinabi ni DICT Provincial Officer Hermenegildo C. Castañeda na ang  DICT ay ang magpopondo sa paglalagay ng  internet connection sa  68 barangay.

Anya sa pamamagitan nito, abot kamay na ng mga barangay ang internet sa kayang kayang halaga. Sinabi ni Castaneda nakikipag ugnayan sila sa opisina ng kongresista at ng opisina ng gobernador upang maisakatuparan ang listahan ng mga barangay na tatanggap ng satellite kits.  Ang  68 barangay na makikinabang  10 ang mula sa Bauko, nine  bawat isa sa   Bontoc at  Tadian; pito ang sa  Besao; anim sa bawat isa sa Sabangan, Sadanga, at  Barlig, at lima bawat isa sa Natonin, Paracelis, at  Sagada. Samantala, tiniyak ni Gobernador Bonifacio C. Lacwasan, Jr.  ang kanyang suporta upang mapabilis ang paglalagay ng   internet satellite sa mga naturang  barangay.

Kasabay nito ang kanyang paalaala sa mga makikinabang ang responsibilidad sa pangangalaga ng pasilidad pang  Wi-Fi. Nag alok din ng tulong ang gobernador sa pamamagitan ng pamahalaang probinsiyal sa paghiling para sa  renewal ng  Wi-Fi  subscription ng mga gumagamit matapos ang isang taon na libreng alokasyon ng Wi-Fi. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source:PIA Cordillera)

 

Leave a Reply