Baguio City – Pormal na inilunsad ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI) ang ikaΒ 29th edisyon ngΒ Panagbenga na may kasamang labing walong tradisyonal na mga kaganapan ang nakahanda para sa mahigit sa isang buwan na kasiyahn na mag uumpisa mula Pebrero a primero hangang Marso a dos ng taong ito.Β
Ang tema ngayong taon ng kasiyahanΒ ay ang βBlossoms Beyond Boundariesβ na kung saan bibigyan ng pagtuon ang mayamang kultura at kasaysayan ng lungsod, na isa sa pinakapaborito ng mga turista sa bansa.Β Ang taunang flower festival ay magsisimula sa pamamagitan ngΒ grand opening day parade na magsisilbi bilangΒ elimination round upang matiyak ang mga sasali saΒ grand street dancing parade, ang pagbubukas ngΒ Panagbenga landscaping competisyon at eksibisyon Β at angΒ Baguio Blooms, na isangΒ market encounter.
Ang tradisyonal na Handog ng Panagbenga sa Pamilya Baguio, na isang ibaβt ibang pangtatanghal para pagandahin ang katapusan ng linggo ay magaganap sa Pebrero a 9 ng taong ito. Magkakaroon din ang mga Floral designers ng pagkakataon na maipakita ang kanilang galing o talent saΒ Panagbenga floral bouquet design competition dish garden competition habang angΒ Rhythm of the Highlands, na isang pagpapakita ng kultura at sayaw ay magaganap sa Pebrero a kinse ng taong ito.Β
Ang mga magkakalaban pangkat saΒ elementary, secondary, college at open categories ang magpapakilig sa mga manonood sa kanilang mahusay na pagganap sa gaganaping grand street dancing parade saΒ Pebrero a 22, 2025 na susundan ng makulay naΒ grand floral parade saΒ Pebrero aΒ 23, 2025.
Ang isang linggongΒ Session road in bloom ay magaganap sa Pebrero aΒ 24 hangang Marso a ngayong taon na kung saan ang buong kahabaan ng Session road ay isasara at gagawin bilang isang pasyalan na may mga kapeteria at nakadisplay na mga bulaklak o yong tinatawag naΒ flower-inspired crafts ng ibaβt ibang exhibitors. Ang pagsasara at seremonya ng pagpaparangal at grand aerial fireworks display ay gananapin sa Marso a dos ng taong ito. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO Baguio)
