Friday, May 3, 2024

Baguio: Dalawang individual nahuli sa marijuana na bricks

- Advertisement -

Baguio City – Aabot sa 7.7 million pesos na halaga ng marijuana bricks ang naharang sa check point ng mga otoridad sa dalawang local tourist sa Sitio Ampawilen, Poblacion, Sadanga, Mountain Province. Kinilala ang dalawang naaresto na sina Eliseo IV San Pedro Quiambao, 23-anyos, at John Cedric Gadia, 21-anyos.

Visit RPN DZBS Baguio

Ayon sa mga otoridad, nagkasa sila ng Interdiction Border Control Checkpoint, matapos makatanggap ng impormasyon na may iligal na aktibidad sa kalinga patungong Baguio City.

Dito na naharang ang isang kulay gray na kotse na may plakang NAE 3385 sakay ang dalawang suspek kasama ng tatlong sako na naglalaman ng 67 piraso ng marijuana bricks na may timbang na 64.283 kilos at may standard drug price na 7,713,960 pesos. Agad na isinailalim sa imbentaryo ang mga nakumpiskang iligal na droga habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek. (Joel Cervantes, photo courtesy of PNP Sadanga MPS)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img