25.3 C
Manila
Tuesday, February 27, 2024

Baguio: Dalawang centenarias sa Ifugao province nakatanggap ng cash gift at sertipipiko bilang pagkilala

- Advertisement -

(Baguio City-Banaue Ifugao) Tuwang tuwa ang dalawang centenarian na taga Banaue, Ifugao na tumanggap ng centenarian gift cash at certificate of recognition mula sa Department of Social Welfare and Development. Ang dalawang centenarians ay kinilala na sila Lolo Marcos Ammong mula sa Barangay Anaba at si Lola Immaya Himmiwat ng Barangay Kinakin.

Ibinigay ng Banaue Municipal Social Welfare and Development Office at Ifugao Provincial Social Welfare and Development ang sertipiko ng pagkilala at tag isang daang libong piso kay Lolo Marcos at Lola Immaya kamakailan lamang. Ito ay sa pamamagitan ng RA 10868 o ang Centenarian Act of 2016 na nagbibigay ng karagdagang benepisyo at pribileyo sa mga nakarating sa 100 ng taon. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credits to Banaue MSWD

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -