Baguio: Daanan na farm to market road sa Bakun, Benguet ay na-ayos

0
28

Bakun, Benguet – Pagpapabuti ng farm to market roads sa Bakun nagaganap na particular sa Bec-o section ng Ay-ay Cabututan Farm to market road na kung saan ay matatagpuan sa barangay Ampusungan.

Visit RPN DZBS Baguio

Ayon sa ulat na nasagap ng RPN News Baguio, ang nasabing farm to market road ay nag-uugnay mula barangay Ampusungan, Bakun, Benguet at Barangay Madaymen, Kibungan, Benguet.  At ito rin ang ginagamit ng mga mamamayan ng dalawang barangay bilang alternate road magmula sa Bakun at Kibungan at vice versa.

Nagpapasalamat ang mga magsasaka sa nasabing lugar na dahil sa farm to market road nila, madali na nilang madadala ang kanilang produkto sa kalapit na pamilihan.

Sinabi ni Benguet Governor Melchor Diclas na ang nasabing farm to market road ay napunduhan ng dalawang milyong pesos at naisagawa ito dahil sa kahilingan ng mga mamamayan ng Bakun particular na ng mga tiga barangay Ampusongan, Bakun. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Benguet)

Leave a Reply