Baguio: Congressman Eric Yap ng Benguet ipanaalam ang problema ng Edukasyon sa probinsiya ng Benguet kay Sec. Sarah Duterte

0
15

Baguio City – Ipinahatid na ni Congressman Eric Go Yap kay Department of Education Secretary at Vice President Sarah Duterte ang mga problema ng iba’t ibang paaralan sa probinsiya ng Benguet.

Ito ay kasabay sa budget deliberation ng DepEd noong Miercules na dinaluhan ng naturang Kongresista bilang Chairperson ng Committee on Appropriation sa Kamara. Sinabi ni Congressman Yap, ang kanyang ipinarating ay may kaugnay sa kakulangan at mga nasirang silid aralan, libro, upuan at iba pang pasilidad sa mga paaralan.

Inaasahan ni Yap na ang mga problema ay bibigyan ng panahon ng Department of Education.  Anya kung maaayos ang mga paaralan ay malaking tulong yon sa mga pag aaral ng mga bata at lalo pang gaganda ang kalidad ng edukasyon sa probinsiya. (Joel Cervantes, photo courtesy of Cong Eric Yap file)

Leave a Reply