28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Baguio: Colos Festival sa Itogon kasabay ng 75th Foundation Day ng Barangay Tinongdan

- Advertisement -

Tinongdan, Itogon, Benguet – Barangay Fiesta ng Tinongdan, Itogon, Benguet nag umpisa na. Sa pagdiririwang ng ika 75th Barangay Foundation at Colos Festival ng Tinongdan, Itogon, Benguet noong Viernes, Pebrero 10, 2023.

Isang misa ang naihandog sa pamumuno ni Reverend Father Mark Batolne ng Diocese of Baguio. At ito’y sinamahan ng mga kabarangay ng Tinongdan kasama ang mga opisyales sa pamamumuno ni Kapitan Edwin Atumpag.

Sa homily ni Reverend Father Batolne, kanyang binigyang diin ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagdalo at pakikipagtulungan sa anumang gawain ng nasabing bayan. Sinabi niya na hindi lamang katungkulan ng mga opisyal ang pangangalaga ng barangay kundi ng lahat ng mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan, pag ibig at pangangalaga ng bayan.

Samantala, nagbukas na rin ang Agro-Industrial Fair bilang bahagi ng gawain sa paggunita sa nasabing okasyon.

Iba’t ibang gawain ang nakahanda tulad ng Cultural Day presentation, Womens at Seniors Day at ang Search for Mr and Ms Tinongdan. Isinagawa din ang  Cañao Day/ Keddot ni Icolos, Indigenous/Traditional Games, Dongba ni Kavajo at  Concert  for a Cause.

Ang maika-75th Barangay Fiesta ng Tinongdan ay may tema na “Pansaksahey Adjowanan, Tawid Dja Panbiagan”. (Joel Cervantes, photo courtesy of Brgy. Tinongdan LGU)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -