Baguio City – Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ang kasalukuyang kalagayan ng mga nangungupahan ng Maharlika Livelihood Complex kasunod ng paglilipat ng pasilidad sa lungsod ng Baguio sa isinagawang sampling ritwal sa lobby nito noong nakaraang miercules ng umaga.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Benjamin B. Magalong ang lungsod ay kanyang aasikasuhin ang pagsasaayos ng complex habang inihahanda ang komprehensibong master development plan upang maging giya sa pagpapatupad sa mga gawain sa hinaharap upang mapabuti ang kasalukuyang estado nito. Kanyang hinikayat ang mga nangungupahan na makipagtulungan at dumalo sa karagdagang konsultasyon na isasagawa ng pamahalaang lungsod upang matiyak na ang kanilang rekomendasyon at mga mungkahi ay madidinig kung paano maayos ang naturang pasilidad at isaalang alang.
Ayon sa Alkalde, ang pamahalaang lungsod ay makikinig sa kanilang kalagayan kung paano magpapatuloy ang pangangasiwa at pamamahala Maharlika ngunit dapat din nilang gawin ang kanilang obligasyon sa hindi pagpayag sa pagpapaupa ng mga puwesto dahil ang lungsod ay hindi ito papayagan ang illegal na gawain. Anya ang pangunahing uunahin ay ang pagsasaayos ng mga ilaw sa iba’t ibang bahagi ng complex maliban sa pagbabago ng iba pang kaginhawaan upang mahikayat ang mga tao bumili at tangkilikin ang serbisyo na ibinibigay ng iba’t ibang nangungupahan o ng mga tenants. RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PRO-CAR)
