Baguio City: Senado inaprubahan na ang 25-Prangkisa ng Benguet Electric Cooperative o Beneco

0
13
photo courtesy of BENECO Baguio

Baguio City – Inaprubahan ng Senado kahapon ang ikatlo at huling pagbasa ng panukalang batas na nagbibigay sa Benguet Electric Cooperative (BENECO) ng  25-taong prangkisa upang magpatakbo at mapanatili ang pamamahagi ng kuryente sa lungsod ng Baguio at sa 13 munisipyo ng Benguet. Mayroon na lamang dalawang linggo naiiwan sa ika labing 19th na kongreso, 21 sa mga Senador ang bomoto pabor sa naturang panukalang batas na walang abstentions o pangingilin. Ang boto ay dumating anim na araw matapos ipasa ng Senado ang  House Bill 10483 sa ikalawang pagbasa noong nakaraang Hunyo a 3. 

Pagkatapos ng pangsang ayon ng mababang kapulungan, ang panukulang batas ay dadalhin sa Malacanang para sa paglagda ng  President Ferdinand Marcos Jr. Ang House Bill 10483 ay resulta ng pagpapatatag ng magkahiwalay na panukulang batas na magkahiwalay na panukulang batas o bills na inihain ni Congressman  Mark Go ng Baguio at  Congressman Eric Go Yap ng Benguet. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/Source: PIO Baguio)

 

Leave a Reply