(Baguio City- Tuba, Benguet) Ang mga pumirma sa kasunduan ay ang kinatawan ng Tuba Agri Tourism Community o TATC sa pamamagitan ng Chairman nito na si Binibining Sharon B. Bitso at ang General Manager for PDi hotels na kumakatawan sa DMCI Project Developers Inc. Naging saksi ang kinatawan ng munisipyo ng Tuba para kay Mayor Clarita p. Sal-ongan at si municipal agriculturist Flordelizo B. Abance. Naganap ang pirmihan ng kasunduan sa Cabin in the Sky, Bayacsan, Taloy Sur, Tuba, Benguet ng Sabado ng umaga. Maliban dito, ang kasunduan ay naglalayon na makinabang ang dalawang entididad at ang nasasakupan nito tulad ng DMCI nais na magtayo ng condohotel sa pamamagitan ng Moncello Crest at ang Tuba Agri-Tourism Community o ang TATC sa pamamagitan ng mg stake holders nito na mga magsasaka mula sa naturang munisipyo. Tatayo ang DMCI Project Developrs inc. bilang marketing arm ng Tuba Agri Tourism Community Inc. upang itaguyod ang mga produkto ng mga magsasaka sa mga tatangkilik ng bibili ng mga units ng Moncello Crest at maging ng mga bisita nito. Ang proyekto na dalawang Condohotel building ng naturang company ay matatapos sa taong 2028. Itatayo ang mga naturang proyekto sa mahigit na 40,000 metro kuwadrado na lupa sa Bato, Barangay Poblacion,Tuba, Benguet. Ayon sa mga business Analysts, ang kasunduan ng dalawang entidad ay magkakaroon ng ripple effect sa mga taga Tuba at maging sa pamahalaang munisipyo ng Tuba at maging sa larangan ng komersiyo at buwis na babayaran ng DMCI Project Developers Inc. sa naturang munisipyo. Ayon sa Vice President for Project Development ng DMCI Project Developers, Inc, kukuha ng mga tao para sa kanilang condohotel project sa mga taga –tuba. Maliban dito, uunlad ang bayan ng Tuba dahil sa amenities na iaalok ng naturang business entity sa madla pagnatapos ang pagtatayo ng Condohotel ng DMC Project Developrs Inc sa taong 2028. Inaasahan, isa naman magnet ang makukuha ng Tuba sa larangan ng tourismo, trabaho, kalakalan, at ang pagpasok ng pera sa kaban ng Munisipyo ng Tuba. Bago naganap ang pagpirma ng kasunduan sa pagitan ng dalawang panig, ang mga stake holders na kinabibilangan ng mga magsasaka ay nagkaroon ng kasanayan sa pamamagitan ng financial literacy, at maging sa aspeto ng pagsasaka o good Agricultural practices upang maging mapagkumpitensiya sa larangan ng pagtitinda. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PRO-CAR).
– 30 –
