Baguio City Police Office nagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring nakawan sa komunidad

0
14
(Photo courtesy of Baguio City Police Office)

Masusing nagsagawa ng follow-up investigation ang Baguio City Police Office sa nangyaring nakawan sa isang cellphone shop sa kahabaan ng Session Road.

Ayon kay Police Colonel Harriet Bulcio, ang Information Officer ng Baguio City Police Office, kasalukuyan pa nilang pinaghahanap ang mga suspek. Anya nakilala na nila ang may-ari ng sasakyan na ginamit ng mga suspek. Ngunit hindi niya ito ibinigay sa mga mamamahayag. Kanyang idinagdag, may mga tatlo hangang apat na katao ang nanloob sa naturang establisiyemento.

Ayon sa Baguio City Police Office, mahigit sa dalawang milyong piso ang nanakaw na mga Smart cellphones sa nasabing cellphone shop. May kabuang P2,241,710 ang kabuang halaga ng mga nanakaw.

Ang cellphone shop ay pinasok ng mga masasamang loob ng madaling araw ng Huebes, Abril 4, ng taong ito sa pamamagitan ng pagsira ng padlock ng roll-up doors ng naturang establisiyemento. (Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

(Source: Baguio City Police Office)

Leave a Reply