(Baguio City-Kalinga province) Ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency- Kalinga Provincial Office at ng Kalinga Police Provincial Office ay nakahuli ng dalawang katao at nakasamsam ng pinatuyong dahon ng Marijuana sa pormang ladrilyo na may bigat na 9,000 gramo na nagkakahalaga ng mahigit na isang milyong piso sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga. Nahuli ang dalawa matapos na magbenta ng 9 ladrilyo ng pinatuyong dahon ng Marijuana sa isang nagpanggap bibili na ahente ng batas. Maliban sa illegal na druga, ang mga maykapangyarihan ay nakakumpiska pa ng mga baril at bala sa dalawang suspeks. Ang dalawang lalaking suspek ay kinilala bilang mga naninirahan sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga at ngayon ay nasa kustudiya ng PNP-Kalinga habang ang mga kaso ay isinasampa laban sa kanila sa paglabag ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PRO-CAR)
– 30 –
