Baguio City: Paglilinis tuloy na ginagawa din ng Baguio City fire members

    0
    8
    (Credit to Pio Baguio)

     

    (Baguio City) Ang mga mantsa ng nga nga sa wikang tagalog o “moma” sa kaigorutan ang nagpapabagal ng regular na paglilinis na isinasagawa ng  mga tauhan ng  Baguio City Fire Station sa mga  plant boxes sa kahabaan ng  Harrison Road. Sinabi ng mga tauhan ng pamatay sunog ng lungsod na sila ay palaging nakakasalamuha ng ganitong problema sa kanilang paglilinis.  Minsan pang nagpaalaala si Mayor Benjamin Magalong sa mga gumagamit ng nganga o  moma na maging  responsibling mamamayan at sumunod sa batas na nagbabawal sa pagnguya at sa pagdura nito sa pampublikong mga lugar.  Anya  hindi lamang ito nagpapadumi sa ating kapaligiran kundi naglalagay din sa ating mga mamamayan sa panganib sa kalusugan. Ito’y Isang paalaala sa mga gumagamit nito na momma.(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO Baguio)

          30 –

     

     

     

    Leave a Reply