Baguio City: Mahigit sa 200 kadete ng PMA nagtapos noong Araw ng Sabado anak ng vendor at taxi driver mula Quezon City, ang Summa Cum Laude ng Siklab Laya Class of 2025

0
22
courtesy of PIA-CAR

Baguio City – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatapos ng Siklab Laya Class 2025, ang unang grupo na sinanay sa Pag-asa Island, ng Philippine Military Academy (PMA). Itinanghal na Summa Cum Laude si Cadet First Class Jessie Ticar na napag-alamang anak ng vendor at taxi driver mula Quezon City.Siya ang ika-apat na Summa Cum Laude sa kasaysayan ng PMA.

Ginawaran si Ticar ng Presidential Saber, Philippine Army Saber, Joint U.S Military Assistance Group Saber, at Australian Defense Best Overall Performance Award. Nasa 266 na kadeteng nagtapos, 137 ang nagpasiyang maging bahagi ng Philippine Army, 71 sa Philippine Navy at 54 ang nais sa Philippine Air Force.

Bilin ni Pangulong Marcos, sa mga bagong miyembro ng kasundulahan na maglingkod ng may dangal, integridad, at isapuso ang sinumpaang tungkulin para sa Pilipinas. Lubos rin aniyang hinahangaan ng Pangulo ang ipinakitang determinasyon at kahandaan ng Siklab Laya Class of 2025 na maglingkod sa bansa.(RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

Source: PIA-CAR

Leave a Reply