(Baguio City) Nakasamsam ng mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ng aabot sa mahigit na PhP2,000,000 na halaga ng iligal na druga at nahuli ang isang personalidad sa druga sa magkakahiwalay na operasyon laban sa -illegal drug na isinagawa sa mga lalawigan ng Benguet at Apayao noong araw ng Martes. Sa isinagawang operasyon ng pagsugpo ng marijuana sa Benguet, Nakatuklas ang mga kapulisan ng 8,970 na ganap na laking puno ng Marijuana na nagkakahalaga PhP1,794,000.00 sa limang plantasyon sa Barangay Badeo, Kibungan, Benguet. Kasabay nito ang pagkakatuklas ng 1,500 ganap na laking puno ng marijuana na nagkakahalaga ng PhP300,000.00 sa isang tanamin o plantasyon sa Barangay Kayapa, Bakun, Benguet. Ayon sa ulat ang Lahat ng natuklasang tanim na marijuana ay agad binunot at sinunog sa lugar kung saan sila natagpuan. Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng taniman sa mga karatig na lugar at upang matugis ang mga responsable sa pagtatanim ng marijuana. Samantala, sa magkahiwalay na operasyon sa Barangay Tubongan, Calanasan, Apayao, isang 45-anyos na lalaki na nakatala bilang Street Level ang humaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.matapos mahuli matapos ang isinagawang search warrant implementation ng mga kapulisan. Ayon sa ulat, nakumpiska mula sa bahay ng suspek ang 13 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1.17 gramo at SDP na PhP7,956.00, at mga drug paraphernalia. Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensiya ay kasalukuyang nasa pagiingat ng Calanasan Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: Pro-CAR
– 30 –
