Baguio City Lagoon garbage isang problema

0
35

Muling nagpaalala si Mayor Benjamin Magalong sa publiko na huwag magtatapon ng basta basta ng kanilang basura upang maiwasan ang pagbara ng mga imburnal o kanal at magdulot ito ng pagbaha sa City Camp lagoon.

Ito ay sinegundahan naman ni City Engineer Edgardo Victorio Olpindo. Anya ito ay parating  nagiging problema sa City Camp Lagoon sa panahon ng tag ulan.

Ang pangkat  ng City Engineering Office team kasama nito ang mga opisyal at mga volunteers ng mga barangays na malapit sa paligid ng City Camp basin ay parating nagmamatyag at nagsasagawa ng paglilinis at  pag aalis ng mga nakabarang basura na dinadala ng tubig baha papasok sa inlet screens.

Samantala, nagpasalamat si Mayor Benjamin Magalong sa nasabing pangkat sa kanilang pag-aalay ng panahon at pagmamalasakit upang hindi na magbaha sa City Camp lagoon.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office) 

Leave a Reply