(Baguio City) Isinagawa ang ika 9th Ecological Waste Management Sustainability Fair kaugnay sa pagdiririwang ng Women’s Month sa Malcolm Square kahapon mula alas 8 ng umaga hangang alas singko ng hapon. Ang naturang programa ay dinaluhan nila Mayor Benjamin Magalong, Councilor Betty Lourdes Tabanda, CEPMO, Zero Waste Baguio, at ng iba pang departamento. Itinampok sa perya ang paraan ng pagcomposting, ang pagkolekta ng electronikong basura, ang pagkolekta ng maari pang magamit na lalagyan o containers, muling ginagamit nang malikhain o ang paggamit ng mga ito bilang produkto at ang mga donasyon mula sa mga bahay bahay. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PRO-CAR)
– 30 –