(Baguio City) Isang hinihinalang biktima ng ligaw ng bala at isang batang lalaki nawalan ng kamay dahil sa ipinagbabawal na paputok ang naitala sa siyam ng biktima ng mga nasugatan ng paputok sa lungsod ng Baguio noong nagdaan pagsasaya sa bagong taon. Habang isinusulat ang balitang ito, ang Baguio City Police Office ay patuloy pang inaalam ang diumano ay biktima ng ligaw na bala kung saan ang biktima ay isang 32-taong gulang na lalaki na taga San Luis Village, Baguio City na nagtamo ng pagkagalos sa kanang bahagi at likod ng kanyang katawan. Siya ay ginamot sa isang Ospital at saka pinalabas din. Samantala, isang kaso ng 14-taong gulang na lalaki mula sa Military Cutoff, Baguio City nakaluray luray ang kanyang kanang kamay sanhi ng ipinagbabawal ng paputok o ng crying cow o pla pla na nagresulta sa pagkaputol ng kanyang kanang braso. Sinabi ng City Epidemiological and Surveillance Unit (CESU) ng City Health Services Office (CHSO) na ang naturang insidente ay kauna unahan na kaso ng papatok naging sanhi ng pagkaputol sa lungsod ng Baguio simula pa noong 2009. Sa kaugnay na balita. Mga naitalang kaso ng naputukan ng mga paputok sa rehion C𝐨𝐫𝐝𝐢𝐥𝐥𝐞𝐫𝐚 na tumaas na 48. Iniulat ng DOH-CAR na may 17 kaso ng additional Firework-Related Injury (FWRI) sa rehion mula Enero a primero hangang a dos ngayong taon. Ang mga kaso ay kinabibilangan ng sugat ng ligaw na bala sa Kalinga. Sa kabutihang palad, walang namatay na itala. Ang karagdagan ay nagdala sa kabuang bilang ng mga kaso FWRI sa 48 sa rehion Cordillera region as of January 4, 2025. Ang probinsiya ng Abra ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso ng FWRI ng nine, sinundan ng lungsod ng Baguio at probinsiya ng Kalinga na may walong kaso bawat isa at ang probinsiya na may pitong kaso. Ang mga probinsiya ng Apayao at Mountain Province ay nakapagtala ng apat na mga kaso bawat isa habang ang probinsiya ng Ifugao ay may nagiisang kaso ng firework related incident. Karamihan sa kaso ng mga nasugutan ay mga kalalakihan na may 32 kaso habang ang pinakabata ay apat na taong gulang habang pinakamatanda ay 84 taong gulang. Sa labing isang kaso, may nagtamo ng sugat sa mata, habang ang 26 kaso ay nagkaroon ng sugat sa pagsabog o pagkasunog na walang naitalang naputulan. May tatlong kaso ng pagkasugat sa pagsabog o pagkasunog na may naputolan at ang isa ay nagtamo ng multiple injuries. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)
– 30 –