(Baguio City) Kasunod ito ng pagpapatibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa bagong wage orders na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB CAR.Inilabas ng RTWPB CAR ang Wage Order No. CAR-23 noong November 13, 2024, na nagdaragdag ng P40 sa daily minimum wage sa lahat ng probinsiya sa rehiyon. Mula sa kasalukuyang P430.00 daily minimum wage ay magiging P470.00 na ito. Inilabas din ng RTWPB CAR ang Wage Order No. CAR-DW-06 na nagdaragdag ng P1,100.00 sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon. Mula sa minimum wage ng mga kasambahay na P4,900.00 bawat buwan ay magiging P6,000.00 na ito. Pormal na ilalathala ang Wage Order Nos. CAR-23 at CAR-DW-06 sa Disyembre 8, 2024 at magiging epekto pagkatapos ng 15 na araw o sa Disyembre 24, 2024. Ayon sa NWPC, sinunod ng rehiyon ang criteria sa pagtatakda ng wage increase sa ilalim ng Republic Act Nos. 6727 at 10361, kabilang na ang pangangailangan ng mga workers at kanilang pamilya, kapasidad ng employers o industriya na magbayad, at ang requirements ng economic at social development sa rehiyon.(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIA-CAR)
Â
–Â Â Â Â Â 30 –