Baguio: Computer literacy para senior citizens ginagawa na ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng City Library

    0
    10
    (Credit to PIO BAGUIO)

    Baguio City – Nag-aalay ng libreng Computer at media literacy workshops para sa mga senior citizens sa Baguio City Public Library.

    Sinabi ni Binibining Easter Pablo, ang City librarian ng lungsod ng Baguio, nais nilang ituro sa mga senior citizens kung paano gamitin ang personal computer lalong lalo na kung paano makakonekta sa internet. Ang Workshops o pagsasanay ay ginagawa sa araw ng Martes at Biernes sa oras na alas diyes ng umaga.

    Samantala, sinabi ni Pablo na nais din nilang turuan ang mga kabataan kung paano gamitin ang tablet. Karamihan kasi ngayon sa mga pampublikong paaralan, gumagamit na ng tablet lalong lalo sa mga mag aaral na may online classes.

    Maari naman ang mga mag aaral na mag attend ng face-face classes depende sa ano ang kalakaran ng mga pampublikong paaralan dito sa lungsod ng Baguio at maging sa rehion Cordillera. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

    (Source: PIO Baguio)

     

    Leave a Reply