Baguio City: Basura at pagsusunog ng mga dahon, pinahinto ng kapulisan sa Baguio City

0
18
(Credit to PIO Baguio)

 

(Baguio City) Binalaan ni  Baguio City Police Office (BCPO) City Director Police Col. Ruel Tagel ang mga taga  Eagle Crest Bakakeng Norte Baguio City dahil sa napa ulat na pagsusunog ng basura habang ang mga taga Aurora hill dahil naman sa pagsusunog ng dahon noong Araw ng Biernes. Ginawa ang babala matapos makatanggap ng ulat ang Baguio City Police Office ng pagsusunog ng basura at dahon sa mga Taga Aurora Hill at ng Eagle Crest sa Bakakeng Norte. Ang babala ay inilabas sa mga nagkasala at sinabihan na huwag na muling gawin ito dahil sa sa ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act) at ng Republic Act 8749 (Clean Air Act), na may kasamang parusa kasama dito ang multa at pagkabilanggo. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: Pio- Baguio)

      30 –

 

 

Leave a Reply