Baguio City: Amnestiya para sa mga delinquenteng may ari ng kanilang ari arian sa lungsod ng Baguio isinagawa na

    0
    7
    (Credit to PIO BAGUIO)

     

    (Baguio City) Ang opisina ng Ingat yaman ay tumatanggap na  applikasyon sa mga may ari ng delinquent real ari arian upang makakuha ng amnestiya upang sa ganon mabayaran na niya ang mga hindi pa nila nababayaran na buwis sa pamahalaang lungsod.  Sinabi ni Assistant City Treasurer Fernando Radma, Jr. na ang maari lang namakakuha ng  amnestiya  ang mga may ari ng ariarian na may tax delinquencies as of 2023 at sa mga nakaraang mga taon. Magkaganon man, sinabi niya na ang mga may ari ng ari arian na hindi nakapagbayad ng kanilang buwis noong nakaraang taon ay isasailalim sa mga multa at sa mga surcharges . Samantala, hinikayat ng assistant city treasurer ang mga  delinquent may ari ng mga ari arian na samantalahin ang ibinibigay na amnestiya upang sa ganon ang mga multa at mga surcharges dahil na rin sa kanilang pagiging delingkuwente ay iiurong na. Kamakailan lamang ,binigyan ng mga lokal  na opisyal ng pahintulot si  City Treasurer Alex Cabarrubias na ipatupad ang  tax amnesty sa ari arian na aayon sa probisyon ng  Republic Act (RA) 12001 o ang  Real Property Valuation and Assessment Reform Act. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PIO Baguio)

          30 –

     

    Leave a Reply