30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Baguio: Bumaba ang porsyento ng ginto na nakokolekta ng BSP-NLRO

- Advertisement -

Baguio City – Bumaba ang porsyento ng gintong nakokolekta ng Bangko Sentral ng Pilipinas – North Luzon Regional Office (BSP-NLRO) dito sa rehion ng Cordillera.

Ayon kay BSP- NLRO Regional Director Noel Neil Malimban, aabot pa lang sa one percent ang nakokolekta ng kanilang opisina.   Inamin niya na karamihan sa mga gold sellers ay nagbebenta sa block market at sa international market. Sinabi niya na ang mga nagbebenta sa kanila ng ginto ay ang mga small scale miners at nakahanda din silang tumanggap ng mga malalaking kompanya ng minahan.

Kanyang idinagdag patuloy pa rin ang kanilang kampanya kaugnay sa gold buying services nito. Ipinaliwanag niya na ang serbisyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay upang makatulong sa ekonomiya ng ating bansa. (Joel Cervantes, photo courtesy of balitok file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -