Baguio: Bilang ng mga college scholars nagdagdagan pa sa probinsiya ng Benguet

    0
    15
    photo courtesy of PIO-Benguet

    Baguio City – La Trinidad, Benguet – May kabuang  321 karagdagang  Benguet college students ang pumira ng kanilang Notice of Award (NOA) at dumalo rin ng orientation bilang mga  scholars sa ilalim ng  Tulong Dunong Program-Tertiary Education Subsidy o ang TDP-TES sa Cordillera Career Development College noong Araw ng Jueves Marso a 20 ng taong ito.

     

    Ang Tulong Dunong program ay isinagawa ng  Commission on Higher Education-Cordillera Administrative Region (CHED-CAR), sa pangunguna ni  Atty. Septon A. Dela Cruz, CESO III, sa pamamagitan ng  UniFAST Unit.

     

    Samantala, binati ni Gobernador Diclas ang mga naturang estudyante at binigyang diin ang kahalagahan ng edukasyon sa paghubog ng kanilang kinabukasan.  Nagpasalamat din siya sa Cordillera Career Development College o sa CCDC sa kontribusyon nito sa pagpapaunlad ng pamayanan sa pamamagitan ng de kalidad na edukasyon. 

     

    Samantala,  Doctora  Sherry Junette M. Tagle, ang  Pangulo ng CCDC, ay mainit na tinanggap ang mga estudyante at pinaalalahan sila na magsikap sa kabila ng mga hamon dahil sa sila na ang susunod na mga propesyonal na mag aambag sa pamayanan.  Ang mga naturang  scholars ay bahagi ng libu-libong college students na nagapply noong nakaraang taon at kwalipikado sa naturang programa ng CHED , sa pamamagaitan ng inisyatiba ni Gobernador Diclas, lahat sila ay nakatakdang tumanggap ng 15 libong piso kada taon. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/Source: PIO-Benguet)

     

    Leave a Reply