34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Baguio: BGHMC nagbabala sa publiko sa pagbili at paggamit ng huwad o pekeng gamot

- Advertisement -

Baguio City – Sa paglalarawan ni BGHMC Pharmacist 111 Raymond Dagwasi, ang huwad o pekeng gamot ay gamot na may tamang sangkap ngunit sinasangkapan ng kulang na halaga o may kasamang maling sangkap na nagbubunsod ng hindi pagkakatugma ng naturang produkto.

Anya ang peke o huwad na gamot ay maaring walang aktibong sangkap na nagreresulta sa walang epekto sa gumagamit o umiinom.

Kanyang idinagdag na ang kakukulangan ng quantidad ng aktibong sangkap ay nagreresulta sa kakulangan ng gamot sa larangan ng kaligtasan, sa pagiging epektibo nito, sa kalidad, lakas at kadalisayan nito.

Sinabi niya na ang paggamit nito ay maaring magresulta sa hindi inaasahang side effects, allergic reactions, o ang paglala ng medical conditions na maaring ikamatay ng isang gumagamit nito.

Kanyang binigyang diin na kinakailangang maging mapagmatyag “upang maiwasan ang malalang panganib na dulot nito sa kalusugan. (Joel Cervantes/Jimmy Bernabe, photo courtesy of BGHMC file)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -