29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Baguio: BFP Cordillera nagpasalamat sa mga volunteers na tumulong sa pagsugpo ng sunog sa Bontoc, Mt. Province

- Advertisement -

Baguio City – Nilabanan ng bombero ng Bontoc, Mountain Province Bureau of Fire Protection ang nagaganap na sunog sa kagubatan sa Barangay Alab, Proper Bontoc, Mountain Province noong miyerkules. Ang pag-apula ay isinasagawa ng mga bumbero sa naturang lugar.

Pinaalahanan ng pinuno ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (Cor-RDRRMC) at Office of Civil Defense–Cordillera Region (OCD-Cor) na si Regional Director Albert Mongol ang publiko na mag-ingat sa daan na malapit sa pinangyayarihan ng sunog.

Pinasalamatan nya ang USAID at mga tauhan nito sa kanilang pagtulong sa Cordillera RDRRMC at sa mga local DRRMCs sa pagtugon sa mga sunog sa kagubatan sa rehion.

Kung inyong matatandaan noong nakaraang linggo, ang pangkat ng USAID Team ay nagbigay ng tulong technical sa mga nasabing ahensiya sa pagsugpo ng sunog sa kagubatan na sumiklab sa rehion.

Di kukulangin sa 70 mga tauhan mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobierno at mga opisina, maging ng mga nagpresenta ang sinanay ng pangkat ng USAID noong nakaraang linggo.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -