Monday, May 6, 2024

Baguio: BFP –CAR na may naitala silang mga 113 na sunog sa kagubatan mula Enero hanggang Marso 2024

- Advertisement -

Baguio City – Ayon sa datos na ipinalabas ng Bureau of Fire Protection Cordillera (BFP-CAR), ang pinakamataas ang insidente ng sunog sa kagubatan ay naitala sa probinsiya ng Benguet na nasa 58 na sinundan ng probinsiya ng Mountain Province na may 40 insidente. Habang may walo namang sunog sa kagubatan ang naitala sa lungsod ng Baguio at pito naman sa probinsiya ng Abra.

Ayon kay FInsp. Bernardo Bravo, Regional Chief ng Intelligence and Investigation Branch ng BFP-CAR, may kabuuang 3,353.5 hektarya na mga lupain ang naapektuhan ng sunog sa kagubatan sa rehiyon.

Katuwang ang mga kinauukulang ahensiya, nakapagsagawa sila ng backburning, aerial o heli bucket firefighting operations, at hotspot o ground suppression.

Nagsagawa rin sila ng monitoring and reconnaissance, at koordinasyon sa mga ahensiya at pamahalaang lokal ukol sa pag-apula ng mga sunog.

Inihayag ni Bravo na lumabas sa kanilang imbestigasyon na karamihan sa mga dahilan ng forest fires ay ang ‘slash-and-burn’, vegetation clearing sa pamamagitan ng pagsusunog, rubbish fire, at iresponsableng pagtatapon ng upos ng sigarilyo.

Dahil dito ay muling nagpaalala ang ahensiya sa publiko na obserbahan ang fire safety at sumunod sa mga alituntunin upang maprotektahan ang mga kagubatan at ari-arian mula sa sunog. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PIA Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img