Baguio City – Pagtutuunan ng pansin ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at ng pamahalaang Lungsod ng Baguio ang ugnayan nito upang mapalakas pa ang opportunidad pang ekonomika sa loob ng 247-hektaryang John Hay Special Economic Zone (CJHSEZ) upang mapaunlad pa ang ekonomiya ng Lungsod ng Baguio.
Ito ay kasunod ng ipinalabas na kautusan ng Kataas taasang hukuman ng bansa sa muli ng pagbabalik ng 2015 na kautusan ng Regional Trial Court Branch 6 sa lungsod ng Baguio na nagpapatibay ng final arbitral award sa pinag aaway awayan na pag aari sa loob ng dating base military ng Estados Unidos.
Sinabi ni BCDA president at Chief Executive Officer na Engr. Joshua Bingcang na ang gustong mangyari ng pamahalaan ay lalo pang itaas ang opportunidad pang ekonomya sa loob ng naturang economic zone.
Sinabi ni ginoong Bingcang ay nais ng pamahalaang national na pataasin pa ang pagkakataon sa larangan ng Ekonomiya na ang ibig sabihin ay pagkakaroon ng mga maraming trabaho para sa taga lungsod ng Baguio at mapaunlad pa ang ekonomiya ng ating lungsod na hindi hadlang sa kapaligiran.
Kanyang inamin na ang BCDA ay nagnanais ng pang mahabang panahon na pag unlad at patuloy na pag-unlad na babalanse sa pagitan ng mga negosyo at kapaligran. Anya ang Camp John Hay Special Eeconomic Zone property ay isa sa natitirang lugar na may kagubatan pa sa lungsod ng Baguio at kinakailangan itong ingatan at mapangalagaan.
Binigyang diin ng opisyal ng BCDA na magkakaroon ng sunod sunod na pagkonsulta na isasagawa ng pamahalaan at ng negosyanteng nagpapatakbo ng kanilang negosyo sa naturang lugar partikular ang mga locators at ang mga nangungupahan sa mga ari arian doon.
Sa ngayon, marami ng kompanya ang nagbigay na kanilang pagnanasa na makipag usap sa BCDA para sa pagpapanibago ng kontrata sa pagpapaupa at ang patuloy na pagnenegosyo sa loob ng naturang economic zone. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)