Baguio: Bases Conversion and Development Authority nagalak sa desisyon ng kataastaasang hukuman hinggil sa ipinalabas nitong utos na pagpapaalis sa CJH Development Corporation sa loob ng Camp John Hay

    0
    11
    (Credit of Camp John Hay file)

    Baguio City – Nagpahayag ng kagalakan ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa ipinalabas na desisyon ng korte Suprema hingil sa pagharang sa kahilingan ng CJH Development Corporation (CJH DevCo) at ang mga tagatugon ng ikatlong Partido na nagtataas ng paninindigan na nagbibigay kapangyarihan sa BCDA mabawi ang 247-hektaring ari arian sa loob ng John Hay Special Economic Zone.

    Sa resolusyon na may petsang Oktubre a 22 ng taong ito, Ipinahayag ng korte Suprema naipagkait na pinal ang mga mosyon para sa muling pagsasaalang-alang na wala nang dapat pang pag-usapan pa.

    Dahil sa pinakahuling desisyon ng korte supreme pinagtibay nito ang 2015 arbitral award at ganon din ang pag utos sa CJH DevCo at maging sa lahat ng tao nag-aangkin ng karapatan sa ilalim nito na lisanin na ang naturang lugar na ipinarerenta o ipinapaupa nasa loob ng Camp John Hay.

    Ang desisyon na pabor sa BCDA ay naging pinal at ipinapatupad na. Samantala, tiniyak ng BCDA sa publiko na ang lahat ng negosyo na ginagawa sa loob ng Camp John Hay ay magpapatuloy.

    Sa kasalukuyan, ang BCDA ay nakikipag ugnayan na sa lahat apektadong negosyo o mga tao para sa maayos na paglilipat. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

    (Source: PIO Baguio)

    Leave a Reply