Monday, May 6, 2024

Baguio: Bakunahang Bayan Pinas Lakas Program sa La Trinidad Benguet maganda ang resulta

- Advertisement -

Mahigit sa 800 katao ang nabakunaan sa ilalim ng Bakunahang Bayan PinasLakas special Covid-19 Vaccination days na isinagawa sa bayan ng La Trinidad, Benguet mula pa noong September 27 hanggang Octobre a dos at ito ay para sa mga first dose, 2nd dose at booster at sa iba pang age group sa nasabing munisipyo.

Ang nasabing bakunahan ay isinagawa sa tulong ng La Trinidad Municipal Health Office at ng Department of Health. Ayon kay Dr. Rhealynne Gayasco, kahit hindi nila naabot ang kanilang target ng kanilang isang linggong bakunahan, nagpapasalamat pa rin sila sa mga nakibahagi sa nasabing programa. Ganon pa man, pinasalamatan ng Lokal na Gobyerno ng La Trinidad ang mga nagbigay ng mga premyo para sa mga nanalo sa vaccination raffle na isinagawa ng Bakunahang bayan. Samantala, sinabi naman ni CHD-CAR Regional Director Rio Magpantay na ang kanilang pagbisita sa La Trinidad ay isang pasasalamat at pagbibigay pugay sa mga sakripisyo at serbisyo ng mga health care workers gayon din naman ng mga lokal.

(Joel Cervantes via RPN-DZBS Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img