Baguio: Baguio Water District binuksan na ang Richwood-Guisad deepwell

0
5
photo courtesy of BWD Baguio

Baguio City – Opisyal na binuksan ng Baguio Water District ang Richwood deepwell sa Richwood Subdivision sa kahabaan ng Easter-Guisad Road, lungsod ng Baguio noong Marso 12, 2024.

Ayon sa pamunuan ng Baguio Water District, ang pagkakompleto ng Richwood deepwell ay magtutustos ng tubig sa mga kalapit na mga lugar at magpapagaang sa presyon ng operasyon ng Buyog at Pinsao pumping stations.

Kung inyong matatandaan ang water exploration project sa Richwood ay nagsimula noong Hulyo a 15 ng nakaraang taon at inaasahang magsisimula ang operasyon nito sa pagtatapos ng disyembre ng pareho ding taon.

Ang mga naturang pagkukusa ay nagnanais na ibsan ang pagkukulang sa pagtustus ng tubig at ang pangangailan nito lalo na sa panahon ng tag init. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: Baguio Water District Baguio)

Leave a Reply