(Baguio City) Ipinagdiwang ng lungsod ng Baguio ang ika 115th araw ng pagkatatag nito sa Baguio Convention and Cultural Center September 1, 2024. Pangunahin sa programa ay ang pagbibigay parangal sa 2024 Outstanding Citizens of Baguio at ang State of the City Address ni Mayor Benjamin Magalong. Matapos ang programa, ang mga opisyal ng lungsod, unipormadong tauhan ng lungsod at ang mga civil society organizations ay nagparada sa kahabaan ng Session Road. Maraming kaganapan o pangyayari ang naganap tulad ng Baguio Country Fair sa Session Road, ang Baguio Fusion at 115 Photo Contest Exhibit at Baguio Convention and Cultural Center, ang Season of Creation sa Maryknoll Ecological Sanctuary, ang Baguio Day Fishing Competition sa Burnham Lake, ang Bonsai Show sa Igorot Garden, Tam-awan Village Exhibit sa SM City Baguio, at ang pinakahihintay ng lahat ang Fireworks Display kagabi. Samantala, binigyang parangal ng lungsod ng Baguio ang bagong namumukod tanging mamamayan ng lungsod sa programa ng paggunita kahapon sa Baguio Convention and Cultural Center. Ang mga pinarangalan ay pinili ng Society of Outstanding Citizens of Baguio (SOCOB) sa pangunguna ng pangulo nito na si Joel Arthur Tibaldo.
Ang mga naparangalan ay sila:
- Dr. Jimmy A. Billod para sa Professional Service)
- Arnel M. Cabanisas para sa Community Service)
- Maricar A. Docyogen para sa Culture and Arts)
- Engr. Fernando C. Laranang para sa Professional Service)
- At Doctora Mary Arsenia Ngaosi-Mondiguing para sa Community Service
(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO -Baguio)