Baguio: Bagong tourist attraction sa Munisipyo ng Kabayan, Benguet dinadayo na ng mga turista

0
2
photo courtesy of Benguet Tourism Office

Kabayan, Benguet – Dinadayo ng mga turista ang bagong tourist attraction sa Munisipyo ng Kabayan sa Benguet lalong lalo na ang Mount Al-Al.

Ayon kay ginoong Fernan Bangonan, ang Tourism Officer ng nasabing bayan, May mga turista ang umaakyat doon kasunod ng opisyal na pagbubukas nito noong Hunyo a 14, 2024 sa pamamagitan ng Executive Order No. 23 Series of 2024 na pinirmahan ni Mayor Florante Bantales Jr.

Ayon sa kay Mayor Bantales, sa kasalukuyan, karaniwan na kanilang natatanggap na mga bisita ay pawang mga domestic tourist o tiga rito sa ating bansa. Kanyang ipinaliwanag na ang pag-akyat sa Mount Al-Al at aabot lang dalawang oras at may pasilidad na maaring pagpahingahan ng mga turista.

Una rito ay nasabi ni Ginoong Bangonan na ang pagbukas ng bagong hiking destination ay nagnanais na maiwasan ang pagdami ng mga tao nasa Mount Pulag lalo na ngayong panahon ng pag akyat sa nasabing bundok. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PNP Kabayan)

Leave a Reply