Baguio: Ang pagiging CDA registered ng BENECO hindi pa matamo dahil sa kulang ang share capital ng mga member-consumer owners

0
72

Baguio City – Hindi pa matatamo ang iba’t ibang benepisyo sa pagiging koopertiba ng Benguet Electric Cooperative sa ilalim ng Cooperative Development Authority dahil sa kulang pa ang nakolektang share capital mula sa mga member-consumer-owners.

Dahil ditto nananawagan ang pamunuan ng BENECO sa mga Member Consumer Owners na magbayad na sila ng share capital na minimum ng P2,000.00 base sa napag usapan noong June 2022 AGMA at ang maximum ay P27,000,000.00.

Ayon kay Atty. Delmar O. Carino, ang Department Manager for Institutional Services Department ng BENECO, ang binayadan na share capital ng mga MCOs ay ang natural na sanhi ng pagkarehistro ng BENECO sa CDA kasabay ng ginawa nilang conversion process upang makumpleto ang pagiging stock cooperatives mula sa kasalukuyang estado nito bilang non-stock non-profit electric cooperative.

Binigyang diin niya ang isa sa mga paraan upang makompleto ang conversion process ay ang pagbabayad lahat ng mga member consumers ng kanilang share capital.

Simula ng buwan ng Mayo 2023, umaabot pa lang ng P31,000,000.00 ang nakolekta ng BENECO na share capital mula sa mga MCO’s.

Ayon sa isunumite ng BENECO sa CDA na Authorized Capital Stock ay P1.104 billion pesos.  Ang CDA ang naghabilin na dapat ng makolekta na niya ang 25 per cent ng nasabing halaga bilang subscribed capital stocks, na ito ang katapat ng 276 million pesos.

Ayon sa RA 9520, ang paid up capital share (PCS) ay kailangang 25% ang subscribed capital share na ang katapat naman ay 69 milllion pesos.  Sa kasalukuyan, 31 million pisos ang nakolekta sa mga consumers.

Dahil dito ay nagpakonsulta sila sa CDA para sa pagka amienda ng Authorized Capital Stock. Ayon sa napag usapan ay base na rin sa paid-up capital share na 25% maibase   sa total o kabuuan   ng subscribed paid up capital batay na rin pinakahuling AGMA.

Samantala, Ayon pa rin sa Bureau of Internal Revenue (BIR), kailangan makompleto ang 25% na subscribed capital share bago magbigay ang naturang ahensiya ng certificate of tax exemption. Ito ang dahilan kung bakit ang Beneco ay gustong makompleto ang nasabing halaga sa pamamagitan ng kooperasyon ng mg member-consumer-owners.

Maliban sa nasabing mga benepisyo, ang pagiging stock cooperative sa ilalim ng CDA, ang pagkompleto ng share capital ng mga MCOs ay magpapakita ng magandang estado dahil ang mga member -consumer-owners at ang matatag na paraan laban sa nagnanais na mang agaw ng prankisa ng Beneco tulad ng nararanasan ng mga ibang electric cooperative. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIA Benguet)

Leave a Reply