Baguio: Ang pagbabalik ng two-way scheme sa Leonard Wood Road, hinihiling ng mga motorista

0
2
two-way traffic scheme at Leonard road

Hinihiling ng mga motorista na dumadaan ng Leonard Wood Road malapit sa Baguio Botanical Garden sa mga traffic experts buhat sa Transportation and Traffic Management sa ilalim ng Baguio City Engineering Office na ibalik nila ang orihinal na two-way traffic scheme lalo na tuwing weekdays o ang katapusan ng linggo o sa pagbubukas ng mga paaralan o sa mga panahon na wala gaanong turista dahil sa mabigat pa rin ang trapiko sa mga lugar na may paaralan doon.

Sinabi ni Engr. Januario Burillo, ang namumuno ng Transportation and Traffic Management, na may ginagawa silang hakbang o adjustment para sa kapakanan ng mga motorista. Ipinaliwanag niya na may mga araw din na magkakaroon ng window time sa loob ng isang taon na maaring gawin bilang one-way scheme. Ngunit sa kasalukuyan, ay masusi pa rin itong pinag-uusapan ng Technical Management Working Group bago maisapinal ang nasabing sistema.

(Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Baguio City)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here